(source: unnamed author, copied from Facebook post by ALCADEV Lumad Caraga Region)
SPEECH OF ALCADEV GRADUATE:
Photo by Alcadev Lumad Caraga Region//Facebook |
Sa aming kagalang-galang na Gobernador/ Hon. Johnny T. Pimentel, Sa ating mayor ng Tandag na si Honorable Madame Roxanne C. Pimentel,/ at sa lahat ng mga opisyal ng Probinsya at local na pamahalaan,/ Sa relihiyosong grupo ng Katoliko Romano/ mga Madre/ at mga pari na pinangungunahan ng mahal at kagalang-galang na Obispo/ Monsignor Nerio P. Odchimar,/ Sa grupo ng Iglesia Filipina Independiente,/ mga pari at mga Obispo,/ Sa mga Pastor at Obispo din ng UCCP, /Sa lahat ng mga guro at estudyante ng iba’t ibang paaralan/ na sakop ng rehiyon ng CARAGA, / Sa mga membro at lideres ng MAPASU at iba pang organisasyon,/ Sa aming mga magulang,/ mga guro ng TRIFPSS at ALCADEV /na walang sawang nakikibahagi sa aming mga maliligaya at mapait na karanasan,/Sa lahat ng mga bisita/ at sa inyong lahat ng mga nandito ngayon, /ISANG MAALAB AT MAALIWALAS NA PAGBATI PARA SA INYONG LAHAT…/
Ngayon po na mga panahong ito/ ang masasabi namin na kaming mga katutubo ay nasa kaibuturan ng kahirapan. /
Ito ang pinakamabigat na yugto ng aming buhay o kasaysayan. /
Para sa amin/ ito’y walang katulad na bigat na halos kami po ay mawawalan na ng pag-asa sa buhay./ Ngunit dahil sa inyo,/ na nandito ngayon, /kayong dumadalaw sa amin at nagbibigay ng suportang moral,/ financial /at kung anumang mga bagay, /kayo ang bumubuhay sa pag-asa sa aming mga kaloob-looban…/
kaya salamat sa inyong lahat…/
Ito ang pinakamabigat na yugto ng aming buhay o kasaysayan. /
Para sa amin/ ito’y walang katulad na bigat na halos kami po ay mawawalan na ng pag-asa sa buhay./ Ngunit dahil sa inyo,/ na nandito ngayon, /kayong dumadalaw sa amin at nagbibigay ng suportang moral,/ financial /at kung anumang mga bagay, /kayo ang bumubuhay sa pag-asa sa aming mga kaloob-looban…/
kaya salamat sa inyong lahat…/
Diko maikakaila/ at di ko Lubos maisip /kung paano ko babaybayin ang aking nararamdaman ngayon… /Di ko alam kung ako ba'y matutuwa sa aming naabot… /Di ko alam kung tama bang sabihin/ na kami’y natutuwa/ samantalang hindi nga kami nakatungtong sa stage ng aming paaralan sa Han-ayan…Paano ko sasabihin / na kami maging masaya sa araw na ito/ kung kahirapan ang bumabalot sa aming kalagayan, /kalagayang hindi namin nakasanayan, kalagayang kami pa ang nahihirapan at namatayan,/ ngunit kami pa ang nilalait/ ginagawan ng mga isyung walang katotohanan./
Paano kami matutuwa,/ kung ang buhay namin ay patuloy na nailalagay sa panganib/ at walang katiyakan. /Nariyan ang mapait na ala-ala ng aming mabait at maalalahaning direktor/ na si Tatay Emok Samarca, /ang aming mga mapagmasid at mababait na lider at datu/ Angkol Onel at Lolo Bello, /ang karumaldumal nilang karanasan sa kamay ng mga bandido/ na hanggang ngayon patuloy pang malaya,/ nagbabanta /at patuloy na bumabagabag sa amin. / Bakit? / bakit nila ito ginagawa sa mga mabubuting tao?/
Ngayon / umabot na kami sa 199 na araw/ dito mismo sa evacuation center sa Sports Complex ng Tandag City/
199 na araw na po/ mula ng lumisan kami sa aming nagisnang komunidad, 199 na araw na po/ na hindi parin nahuli/ o hinuli/ at napaparusahan ang mga taong gumawa sa karumaldumal na krimen,/199 na araw na po / na hindi parin binubuwag ang mga paramilitary bagkus ay sumasama pa rin sila sa mga operasyong militar, /Ika 199 na araw na po, / nandito parin kami sa isang lugar na hindi kaaya-aya, / hindi namin nagagawa ang mga gawaing pang-agrikultura /hindi na namin nasilayan ang maramihang pagtatanim /ng ibat-ibang klase ng mga gulay sa aming sakahan,/
Namimis na naming/ ang daan-daang kilong maaani/ tuwing harvest time sa aming mga pananim. /Namimis narin namin ang mga buildings /o ang aming dorms at classrooms /
Hindi ito mawawalay sa aming mga ala-ala dahil / ang bawat piraso ng mga bagay na inilagay/ at ginagamit para mabuo ang mga building na iyon /ay dumadaan sa mga bisig naming mga mag-aaral / at ng aming mga magulang…/Saksi ang aming mga pawis, / saksi ang aming mga kamay /sa mga paghihirap para mabuo ang kalsada papasok sa paaralan, /Saksi rin ang aming mga palad sa pagdala /at paghakot ng mga materyales, /mga semyento at hollow blocks,/ para sa aming paaralan…/Ngayon ang tanong ko,/ bakit ba ang ibang tao ang itinuturong dahilan ng pagkabuo ng paaralan?/ na samantalang kami,/ kaming mga estudyante, / ang aming mga guro/ at mga magulang ang siyang nasisikap para dito. /Bakit sinasabing sa NPA ang paaralan namin? ///
Bakit hindi kikilalanin ang paghihirap namin, /ang pagsisikap ng aming mga magulang at ng organisasyong MAPASU? /
Bakit pinapatay ang aming mga lider at guro?/ Alam naming ang kanilang pagkatao,/ hindi sila NPA,/ bakit sila pinatay?/ Hindi porke't anti-mining ang aming mga lider,/ mga magulang at guro/ mga NPA na sila.// Pinanghahawakan naming anti-mina kami…// dahil ito’y nakasaad sa aming TRADISYON at KULTURA./
Paulit-ulit naming sinasabi na,/ “Ang Pag-ibig namin kay MAGBABAYA,/ ay ang pag-ibig at pag-iingat sa mga magaganda niyang likha. /Ang Kalikasan.”/ Ang Mina ay sumisira at sisira sa kalikasan /kaya hindi kami pumapayag na miminahin ang aming lupang Minana./
Naniniwala kaming,/ Ito ang dahilan kung bakit sila pinatay, / ito ang dahilan kung bakit ginagawan sila ng mga gawagawang kaso,/ ito ang dahilan kung bakit sinasabi nilang supporter kami ng NPA,/ ito ang dahilan kung bakit binabato kami ng napakaraming mga panghuhusga /at mga paninira. /Dahil gusto nilang makapasok ang mina sa aming lupang Minana. / Hindi ba halata?/ May nakaabang nang dambuhalang makinarya ng ABACUS Mining.
Sinisira nila ang aming dignidad bilang katutubo/ ang aming buhay,/ang aming kinabukasan, / matupad lamang ang kanilang makasariling interes, /kasakiman sa kapangyarihan at kasakiman sa kayamanan.
Sa huli,/ sasabihin ko/ kung sanay namumuhay lamang tayo ng simple, / hindi na sana kailangan pang gastahin ang kalikasan para sa pag-unlad./ Maari nating mapalago ang ating bayan ng hindi natin sisirain ang ating inang kalikasan.
Maraming salamat Po…!/
###